Transport caravan nagsimula na

NAGSIMULA na ang transport caravan na ikinasa ng Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operaytor Nationwide (Piston) ngayong Huwebes ng umaga mula sa Quezon City.

Ayon sa ulat 20 minuto nang umuusad ang caravan ngunit hindi pa rin ito makaalis sa Eliptical Road dahil sa bagal ng galaw.

Dahil dito, inaasahang maaapektuhan ang daloy ng trapiko.

Ang nasabing caravan ay nilahukan ng may 500 na miyembro ng nasabing transport group bilang protesta sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Hiling din ng naturang grupo ang dagdag sa pasahe. Remate Online

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply