Transport companies magbabawas ng pasada

PLANO ng ilang transport companies na magbawas ng pasada ng kanilang mga sasakyan dulot ng sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Ayon sa isa sa miyembro ng Metro Bus Operators, pinag-aaralan na nilang bawasan ang ilang bus units na pumapasada sa Metro Manila dahil sa laki ng gastos sa krudo o diesel sa maghapon.

Partikular na planong pagpahingahin muna ang ilang unit na umuubos ng isang litro kada dalawa’t kalahating kilometro lang ang takbo.

Six-cylinders aniya ang mga bus unit nila at nakakatatlong biyahe lamang sa maghapon.

Bukod dito, sinabi ni Aguilo na kinokonsidera rin nila na pagpahingahin muna ang ilan nilang drayber habang mataas ang presyo ng petrolyo. Remate Online

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply