Transport group mga sakim — NCCP

MARIING kinondena ng National Council for Commuters Protection (NCCP) ang iba’t ibang transport coalition dahil sa pagiging sakim umano ng mga ito.

Sa halip na maging bahagi ng solusyon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo at pangunahing bilihin sa bansa ay nagiging pabigat pa ang mga ito.

Ayon kay NCCP president Elvira Medina, walang iniisip ang mga transport group kundi ang pansariling kapakanan.

Bagkus umanong tumulong sa pamahalaan, nagbibigay pa ng pasanin sa taumbayan.

Tinuran pa ni Medina ang paghahanda ng Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston) ng “transport caravan” bukas at isinasangkalan ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Mabigat na parusa umano sa mamamayan ang plano ng Piston na magsagawa ng tigil-pasada sa Angeles City, Pampanga at ilang lugar sa Mindanao.

Bukod dito, inengganyo pa nitong lumahok sa nasabing kilos-protesta ang iba’t ibang sektor at mga militanteng mga grupo.

Samantala, humingi naman ng pang-unawa ang isang transport group sa mga commuter na intindihin ang kanilang hakbang kaugnay sa P1 fare hike epektibo bukas, Martes, Marso 29.

Ayon kay Alliance of Concerned Transport Organization (Acto) president Efren de Luna, hindi na umano nila mahihintay ang ilalatag na programa ng Department of Energy (DOE) para masolusyunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply