Transport strike ikakasa bukas

IKAKASA bukas ng militanteng transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ang transport strike bilang pagkondena sa banta ng Malakanyang na kakanselahin ang kanilang prangkisa sa oras na ituloy ang protesta.

Ayon kay Piston Secretary General George San Mateo, ang kanilang pagkilos ay layuning kondenahin ang patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo na karapatan ninuman bilang isang mamamayan.

“Ang pagbabanta sa amin ng Malakanyang na kakanselahin ang franchise ay  isa lamang “diversionary tactics” upang maalis sa isip ng mamamayan ang usapin sa patuloy na  pagtaas ng halaga ng gasolina” pahayag ni San Mateo.

Ang pagkilos na pangungunahan ng Piston ay kapapalooban ng 200 behikulo na magsasagawa ng caravan mula Quezon Memorial Circle papuntang University of Sto. Tomas sa Maynila saka tutungo sa Mendiola bridge sa Malakanyang.

Kasabay nito magsasagawa rin ng pagkilos ang mga kasapi ng Piston sa mga lalawigan sa Mindanao gayundin sa Pampanga sa Central Luzon.

Una nang nag-abiso sa publiko ang LTFRB, LTO, MMDA, Coastguard gayundin ang AFP at PNP na magkakaloob ng libreng sakay sa commuters sa panahon ng pagkilos ng transport group. Santi Celario

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply