Travel ban sa Afghanistan, Iraq inalmahan

SINALUNGAT ni House Asst. Minority Leader Mitos Magsaysay ang panibagong travel ban na inilabas ng Department of Foreign  Affairs (DFA) sa mga Pinoy na tutungo sa Afghanistan at Iraq.

“Why issue the ban when these workers are in safe areas unlike Libya? Isn’t the ban on travel unconstitutional as is goes against citizen right to travel? The U.S. never issues a travel ban on its citizens only travel advisory,” sinabi pa ni Magsaysay sa isang text message sa Remate Online.

Binanggit ng kongresista na may tinatayang  6,000 overseas Filipino workers (OFW) sa Afghanistan at 10,000 sa Iraq na pawang nasa ligtas at guwardiyadong US at NATO  military bases.

Dahil aniya sa pagbabawal na ito ay nanganganib o gugutumin ng administrasyong Aquino ang mga kaanak at pamilya ng OFWs dahil sa pagpapauwi sa kanila.

“The US military issued a directive to send all Pinoys home so that they are not in violation of the Philippine ban.”

Hinimok din nito ang DFA, OWWA at POEA na ilatag ang kanilang plano sa mga pauuwiing Pinoy.

Nangangamba si Magsaysay na mapabilang sa mawawalan ng trabaho ang may 16,000 karagdagang OFWs na pinauwi sa bansa dahil sa kawalan ng malinaw na programa ng administrasyon sa sitwasyon ng mga OFW sa mga bansang nagkakaroon ng mga kaguluhan. Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply