Tren ng LRT-1 huminto

TUMIRIK na naman Miyerkules ng umaga, Marso 30 ang isang tren ng Light Rail Transit (LRT)  Line 1 na biyaheng Baclaran-Monumento.

Ang nasabing tren ay huminto kaninang 9:14 ng umaga ay dahil sa problemang teknikal.

Ayon sa ulat, pinababa na lang ang mga pasahero dahil hindi mapaandar ang nasabing tren pagsapit ng Carriedo Station na papunta sa Monumento Station.

Pagkababa ng mga pasahero ay hinatak ang naturang tren patungong Central Terminal.

Dahil dito, tumagal na walong minuto ang pagkaantala ng biyahe ng LRT Line 1.

Kahapon, Martes ay isang tren din ng LRT ang tumirik sa kaparehong istasyon na patungo namang Baclaran.

Noong isang araw rin, Lunes, ay umusok naman ang isang bagon ng LRT sa United Nations (UN) Station papuntang Baclaran kung saan naiulat na apat ang nasugatan. Remate Online

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply