Tropang Texters wagi sa OT

DUMAAN sa masikip na 85-80 overtime win ang Talk ‘N Text Tropang Texters laban sa Alaska Aces sa Xavier University Gym sa Cagayan De Oro City, Sabado ng gabi, Marso 19.

Kinailangan ang dalawang 3-pointers ni Jimmy Alapag at isang basket ni Ryan Reyes sa extra period para malusutan ang Aces ni coach Tim Cone at umangat sa solo second place sa hawak na 5-1 kartada. Nangunguna pa rin ang walang talong Smart Gilas (5-0).

Nagipit din ni Reyes ang huling tira ng inaalat na si Cyrus Baguio na nagresulta sa pagkahulog ng Aces sa 4-2 win-loss slate na naglagay sa kanila sa pangatlong puwesto sa 10-team field.

Sisikapin ng Barangay Ginebra na mapantayan ang Aces sa kanilang pakikipagharap sa sister-team San Miguel Beermen Linggo ng gabi, Marso 20, sa Araneta Coliseum.

Nanguna sa scoring parade ng Tropang Texters si Paul Harris sa kanyang 23 points habang nagtumpok sina Alapag, Ali Peek at Kelly Williams ng pinagsamang 34 puntos.

Nagtulong naman sina LA Tenorio, Sonny Thoss at Mark Borboran para sa Aces sa kanilang pinagsamang 29 puntos habang 34 puntos naman ang kinamada ni LD Williams.

Nagtapos amg regulation sa 75-all matapos magbuslo ng isang pilipit na tira si Tenorio habang paubos na ang oras. Radito Torres

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply