Tsino timbog sa shabu buy-bust ops ng NCRPO

SWAK sa kulungan ang isang Chinese national matapos itong masakote ng tauhan ng anti-drugs unit ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City.

Kinilala ni NCRPO chief Director Nicanor Bartolome ang suspek na si Renato Go, alyas  “Doktor Go,” isang businessman.

Nahuli si Go matapos bentahan ng may 3.6 na kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P17.5 milyon ang isang nagpanggap na buyer.

Maliban sa  shabu ay nakuha din kay Go ang iba pang ebidensiya gaya ng cell phone, buy bust money na ginamit sa operasyon at isang Isuzu Altera na ginagamit nito.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Go.

Ang naturang suspek ay ang ika-sampung natimbog sa drug trafficking sa mas pinaigting na kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga.

Dahil ditto, nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa ilalim ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang nahuling suspek. Alex Ching

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply