Tsinoy kulong sa shabu

KULONG ang isang Filipino-Chinese matapos mahulihan ng shabu sa buy-bust operation na isinagawa ng Caloocan operatives.

Nakilala ang suspek na si Ronnel Lim, 19, ng Bisig ng Nayon, nasabing lungsod.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis hinggil sa pagbebenta ng shabu ng suspek lalo na sa mga kabataan sa kanilang lugar.

Dakong ala-1 ng hapon ng Miyerkules, nagkasa ng buy-bust operation ang mga pulis kung saan isang parak ang umaktong bibili ng shabu sa suspek.

Nang magpositibo ay agad dinamba ang suspek. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply