Tsunami alert sa 19 probinsya itinaas sa 2

INALERTO na ng Office of Civil Defense at National Disaster Risk Reduction Management Council ang local agencies sa 19 lalawigan na nakaharap sa Pacific Ocean  na maging mapagmatyag sa loob ng dalawang oras matapos itinaas sa alert level 2 ang babala sa posibleng pagdaluyong ng Tsunami kasunod ng magnitude 8.9 quake na yumanig sa Honshu,  Japan.

Ayon sa babala ng tanggapan ng OCD, kailangan maging mapagmatyag ang mga resident ng 19 na lalawigan partikular na ang mga nasa malapit sa easter seaboard  na maging mapagmatyag sa susunod na dalawang oras mula alas-singko ng hapon hanggang alas-siyete ng gabi.

Ayon kay OCD Director Benito Ramos, dapat bantayan ang mga hindi pangkaraniwang paglaki ng mga alon na humahampas sa dalampasigan.

Nilinaw din ni Philvolcs Director Renato Solidum na hindi kailangang mag-panic o magsagawa ng evacuation bagamat nagpalabas na rin ng  tsunami warning ang Pacific Tsunami Warning Center sa  Japan at Russia kasama ang Mariana Islands kasunod ng  8.9 magnitude quake na tumama sa Japan.

“An earthquake of this size has the potential to generate a destructive tsunami that can strike coastlines near the epicentre within minutes and more distant coastlines within hours,” ayon sa babala.

Kasama sa may lesser warning ang  Guam, Taiwan,  Marshall Islands, Indonesia, Papua New Guinea, Nauru, Micronesia at  Hawaii. Verlin Ruiz

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply