Tsunami at lindol ng oil companies

KAHIT matindi ang nagaganap na kahirapan sa Japan dahil sa nakaraang tsunami at lindol, hindi maikukumpara ito sa dami ng mga biktima na pinahihirapan ng mga kompanyang langis sa repablik ni Juan.

Sa Japan, may inilikas na 200,000 katao palayo sa sumasabog na plantang nukleyar na bunga ng 9.0 na lindol.

Libo-libo naman ang mga namatay na maaaring umabot sa 80,000.

Umaabot din sa nasa dalawang milyon ang nawawalan ng kuryente habang libo-libo ang kinakapos sa pagkain, tubig at gamot.

oOo

Pero dito sa Pinas, Suki, milyon-milyon ang binibiktima ng mga kompanyang langis.

Gaano karami, por eksampol, ang mga magtatraysikel, drayber ng mga jeepney, multicab at kuliglig sa lungsod at kanayunan?

Gaano rin karami ang mga magsasaka na nabubuhay sa de-makinang pagsasaka?

Eh ang mga maliliit na mangingisda na gumagamit ng mga generator sa pagpapalaot?

Ganundin ang mga tauhan ng mga barko at lantsang pangisda na tumigil na sa pagpapalaot, paano?

oOo

Kung pag-aaralan ninyo ang mga namamatay sa gutom, marami sa mga ito ang galing sa mga pamilyang nabanggit.

Ganundin ang mga namamatay sa sakit o hindi gumagaling sa kanilang mga sakit dahil sa pagtanggi ng mga ospital na tanggapin sila para gamutin.

Dumarami pa nga ang mga nagpapakamatay na lamang o pumapatay sa kanilang mga anak sa kawalan ng mga ito ng maibibigay na pagkain at maayos na kinabukasan.

Dumarami rin ang mga nakaiisip na magnakaw at mangholdap.

Ang problema, Suki, hindi umaaksyon ang pamahalaan laban sa mga kompanyang langis.

Bakit nagiging antatsabol ang mga ito? Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply