Tsunami nanalasa rin sa US

UMABOT ng United States ang tsunami bunsod sa malakas na paglindol na naganap sa bansang Japan.

Tinatayang mga anim na talampakan ang naging taas ng tsunami sa Maui, Hawaii.

Sa Honolulu naman ay may taas lamang na 2.2 feet samantalang sa Hilo, Hawaii naman ay umabot ng 4.3 feet.

Pinakita ng Hawaii News Now ang isang video ng mga isda na natangay ng tsunami habang nagkaroon ng bahagyang sira ang isang pier doon.

Ayon ka Charlie Leonard, isang businessman sa Honolulu, Hawaii, sineryoso ng mga hawaiian ang naturang tsunami ngayon kumpara noong lumindol sa Chile kung saan nagsilikas ang mga residente ng Waikiki Beach.

Ang Hawaii ay 6,086 kilometro ang layo sa Sendai, Japan kung saang ang sentro ng pagyanig.

Dahil dito, ipinag-utos ni President Barack Obama sa Federal Emergency Management Agency na maghanda ng tulong sa Hawaii at iba pang lugar na maaapektuhan sa tsunami. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply