Tubig makokontamina dahil sa radiation

NAGBABALA kahapon, Marso 13, si Environment Secretary Ramon Paje na posibleng makontamina inuming tubig ng bansa dahil sa radiation.

Ayon kay Paje, kung hindi man gaanong makakaapekto ang radiation sa bansa, may posibilidad na magdulot ito ng masama sa halaman, hangin at tubig.

Binigyang-diin ng kalihim na makasasama ito sa taong makakakain, makakainom o makakahinga ng kontaminadong pagkain, tubig at hangin dahil sa radiation.

Ang radiation ay pinagmumulan ng kung anu-anong delikadong sakit tulad ng skin cancer, lung cancer at thyroid cancer kapag nakain o nahinga ang anumang may radiation.

Sinabi ni Paje na hindi agad malalaman ng taong tinamaan ng radiation dahil 15 hanggang 20 taon umano makikita ang mga sintomas nito.

Tiniyak naman ng kalihim na ligtas ang inuming tubig sa Kalakhang Maynila dahil ito ay aniya ay dumadaan sa masusing filtration..

Samantala, nag-aalala si Paje para sa mga taong nakatira sa suburbs o malalapit na probinsya tulad ng Cavite, Laguna, Batangas, Bulacan, Rizal at Pampanga dahil karamihan sa mga tao dito ay umiinom ng tubig na mula sa bukal o ilog na hindi dumaraan sa pagsasala o filtration.

Makasasama lamang umano ang radiation na makararating sa bansa kung maiinom o makakain ito ng tao o hayop.

Aniya, mahalaga pa ring mag-ingat ang lahat kahit siniguro nang hindi makararating ang radiatin sa bansa.  Nenet Villafania/Jayzl Nebre

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply