Tubig ng Maynilad aprub sa DOH pero…

KAHIT pasado ang kalidad ng tubig ng Maynilad sa Department of Health (DOH), may posibilidad pa rin umano itong makontamina.

Sinabi ni Teresita Mancera, head ng Maynilad Water Services Inc. Central Laboratory na kahit na nakapasa sa DOH ang kalidad ng tubig na inilalabas ng kanilang planta, hindi pa rin nila maiaalis na maaari itong makontamina kapag ipinamahagi na sa kanilang mga parokyano.

“Water coming out of the plant is safe for drinking; it has undergone treatment.  However, contamination may happen in the distribution network when the line is damaged, especially when illegal connections tap into our network,” paliwanag ni Mancera.

Bunsod nito, nagbabala si Mancera sa kanilang mga tagapagtangkilik na maging mapagmatiyag at iulat ang anumang tagas o iligal na koneksyon dahil nakadepende sa consumer ang pagiging ligtas ng tubig na iinumin ng publiko.

“Customers should be vigilant and report leaks and illegal connections right away. The safety of the water you drink and the health of your family depend on it,” dagdag pa ng Maynilad official.

Kamakailan, inanunsiyo ng Maynilad ang kanilang programang “Sikad” na ang adhikain ay bigyan ng pabuya ang sinumang makapag-uulat ng mga iligal na koneksyon ng tubig.

Aabot sa P15,000 hanggang P150,000 ang maaaring ibigay na pabuya sa sinumang impormante kapag nakumpirmang tama ang kanilang iniulat.

Sa pinakahuling buwanang ulat kaugnay ng kalidad ng tubig ng Maynilad, kinumpirma ng DOH na nasusunod naman ng nabanggit na water concessionaire ang Philippine National Standards for Drinking Water (PNSDW), na nakakuha pa nga ng 100 percent na marka ang kumpanya.

Mahigpit na rin ang isinasagawang pagbabantay ng Maynilad sa daloy ng tubig na kanilang inilalabas mula sa produksyon hanggang sa pagdating nito sa mga kabahayan ng kanilang mga parokyano na umaabot ng 7.4 milyon. Robert C. Ticzon

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply