Tubong-lugaw ng oil companies sa price hike, pinabubuwisan

DAPAT singilin ng mas mataas na buwis o windfall tax ang lahat ng kompanya ng langis na nagpataw ng dagdag singil sa presyo ng produktong petrolyo dahil tubong-lugaw sila ngayon dulot ng mas mababang presyo ng nasabing produkto na ibinebenta ngayon sa merkado.

Ganito ang pagtataya ni Sen. Juan Miguel Zubiri sa pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo kaya nararapat lamang na singilin ng windfall tax ang mga kompanya ng langis sa laki ng kanilang kikitain sa sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng gasolina.

Aniya, maaaring gawin ng gobyerno ang hakbang na ito laban sa tila pananamantala  ng mga kompanya ng langis sa krisis ngayon sa Gitnang Silangan.

“As far as these oil companies are concern wala silang law na violate dahil hindi naman natin sila hinahatulan ng misdeclaration. What we can do is probably file a taxation on windfall profits because I consider that making money out of the misery of  our people,” giit ni Zubiri.

Nitong nagdaang araw, nagpataw ng karagdagang P 1 hanggang P 2 sa presyo ng gasolina at diesel ang mga kompanya ng langis sa bansa base sa katuwiran na baka sila malugi dahil mataas  ang presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan.

Ngunit ayon kay Zubiri, palagi namang katuwiran ng mga oil company na sila ay nalulugi pero pagdating sa kuwentahan ng kanilang kita, bilyon-bilyong piso ang kinakamig nila.

Nawalan na rin ng tiwala ang senador sa Department of Energy (DOE) dahil kahit na may kapangyarihan sila na ipasuri ang libro ng oil companies ay bantulot naman silang gawin ang trabahong ito.

“They lack political will. I do not know why they (DOE) are afraid,”dagdag ng senador.  Ernie Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply