Tulong pa sa Japan inialok ng Malakanyang

HINIHINTAY ng Malakanyang ang tugon ng Japanese government sa inialok na tulong ng Pilipinas sa kanila matapos hambalusin ng tsunami kamakailan.

Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Atty. Abigail Valte na handa ang Pilipinas na magbigay pa ng karagdang tulong sa Japan subalit kailangan muna nilang malaman ang magiging sagot nito bago kumilos.

Hindi naman napag-usapan kung ipadadala ni Pangulong Benigno Aquino III si Vice President Jejomar Binay para asikasuhin ang overseas Filipino workers (OFW) doon.

Sa kabilang dako, nakipag-ugnayan na ang Chief Executive kay National Security Adviser Cesar Garcia para i-monitor ang mga kaganapan sa Fukushima Daiichi nuclear power plant.

Bukod sa National Security Agency (NSA), humingi rin ng update report ang Pangulong Aquino sa Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) at Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) para i-monitor pa rin ang posibleng mga epekto nito sa bansa.

“Marami tayong factor na kailangan i-konsider bago sabihing we should be on alert for a direct hit coming from the fallout, so to speak,” ang pahayag ni Usec. Valte.

Sa kabila nito, hindi muna nagpahayag ang Malakanyang hinggil sa posibleng epekto sa negosyo at turismo sa Pilipinas ang nangyaring lindol sa Japan.

Sa pinakahuling impormasyon mula kay Japan Chief Cabinet Secretary Yukio Edano, inamin nito na nagkakaroon na umano ng “deforming” ang mga fuel rods sa Fukushima Daiichi Reactor No. 3 na posibleng magdulot ng pagsabog. Nagkaroon ng malakas na pagsabog sa No. 1 nuclear plant na sinalanta ng tsunami.

Tinatayang apat sa mga empleyado ng nasabing kumpanya ang sugatan habang nawasak ang pader ng isa sa apat nitong gusali.

Sa nakalipas na 24 oras, bigo ang pagsisikap ng mga opisyal ng Japan na maayos ang bumagsak na cooling system ng planta. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply