Tulong para sa Libya, huli na

HULI na umano ang magiging tulong na gustong ipaabot ng international community sa mga rebeldeng grupo sa bansang Libya, ito ang naging papananaw ni Jack Cafferty ng CNN.

Kasalukuyang nasa Paris ngayon si US Secretary of State Hillary Clinton para makipagpulong sa mga foreign ministers ng G8 para sa maayos na estratehiya laban sa kampo ni Col. Moammar Gadhaffi ng Libya. Kasama sa naturang meeting ang ilan sa mga lider ng rebeldeng grupo.

Wala pa umanong napagkakasunduan ang grupo sa ngayon. Nagdeklara na ang Arab League ng no-fly zone nitong linggo kasunod ng panawagan ng bansang France.

Ikinatuwa naman ito ng White House at sinabing pag-uusapan ito sa United Nations ngayong araw.

Ayon kay Cafferty, lubhang marami ng ang nasasawing mga rebelde at napakaraming ordinaryong tao sa Libya ang namamatay ngunit patuloy pa rin ang usap-usapan ng mga bansa hinggil sa tulong na ibibigay nila sa mga rebelde.

Huli na umano ang nasabing tulong dahil sa patuloy ang paglusob ni Gadhaffi sa mga lugar na dating sakop ng mga rebelde. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply