Tumangging magbayad ng parking fee inutas

PATAY ang 35-anyos na checker nang  barilin ng parking boy matapos tumangging magbigay ng P50 parking fee Biyernes ng madaling-araw, Marso 18 sa Tondo, Maynila.

Kinilala ni P/Inps. Armand Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide section ang biktima na si Elvis Moscoso, checker ng PKT Trucking at residente ng 1159 Mayhaligue St., Tondo, Maynila.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na kinilala lamang sa alyas “Buddy” matapos tumakas nang maisagawa ang krimen.

Sa report ni PO1 Michael Pavon, dakong 12 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa loob ng Gothong Company, Vitas St., Tondo, Maynila.

Nabatid na nagbababa umano ng mga sakong bigas ang biktima sa nasabing compound nang dumating ang suspek at nilapitan ang biktima upang  hingan ng P50 na parking fee pero tumanggi ang biktima.

Dahil dito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa  hanggang sa bumunot ng baril ang suspek at paputukan si Moscoso.

Patuloy naman ang follow up operation ng pulisya para sa ikadarakip ng suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply