Tupas ipinai-inhibit sa kaso ng Ombudsman

DAPAT na umanong mag-inhibit sa impeachment case ni Ombudsman Merceditas Gutierrez si House committee on justice chairman at Iloilo Rep. Neil Tupas.

Ayon kay Cubao Bishop Honesto Ongtioco, out of delicadeza, dapat mag-inhibit na lamang ang kongresista sa kaso ni Gutierrez bunsod nang nakabinbin nitong graft and corruption case sa Ombudsman.

Iginiit ng Obispo na dapat ayusin muna ni Tupas ang kaso nitong katiwalian sa Ombudsman upang hindi mahaluan ng pulitika ang kaso ni Gutierrez.

“Kaya nga ang sa akin, kahit na siya pa ang chairman ng house committee on justice, out of delicadeza naman, para mas makita ng tao ang justice it will be served, hindi tainted o hindi colored. So kung involved siya sa kaso, let it be cleared muna.  Mag-inhibit muna siya out of delicadeza naman,” pahayag ni Ongtioco sa panayam ng church-run Radio Veritas. Kyle Gatus

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply