Tupas sumagot sa pasaring ni Santiago

HINDI mag-iinhibit sa impeachment hearing si Iloilo Rep. Neil Tupas Jr. na siya ring chairman ng House Committee on Justice.

Ito ang buwelta ni Tupas sa pasaring sa kaniya ni Senador Miriam Defensor-Santiago na mag-inhibit ang kongresista dahil may kaso ito sa Ombudsman pati ang kaniyang ama na si dating Iloilo Governor Neil Tupas, Sr.

Sinabi ni Tupas na hindi dapt na panghimasukan ng isang senador ang mga usapin sa Kamara dahil labag ito sa inter-parliamentary procedure.

“Kung doon nga sa pabaon investigation ng Senate hindi siya nag-inhibit, bakit naman ako mag-iinhibit dahil lang sa sinabi niya,” sagot naman ni Tupas.

Samantala minaliit ng counsel ni Ombudsman Merceditas Gutierrez ang mga ebidensya sa impeachment case.

Ayon kay Atty. Anacleto Diaz kung mga ganitong uri lamang ng ebidensya  ang ilalatag sa Kamara ay tiyak na wala itong kahihinatnan.

Hinamon pa ni Diaz ang mga kongresista na agad na iakyat sa Senado ang kaso dahil wala naman itong matibay na batayan.

Bagama’t batid ng kanilang kampo na maiaakyat ito sa Senado dahil ang usaping ito ay highly politicize at may basbas ng Pangulong Aquino.

Iginiit pa nito na nagsasayang lamang umano ng panahon ang Kamara sa kanilang pagdinig dahil hindi naman nila mapapatalsik sa puwesto si Gutierrez. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply