Turismo, agrikultura palalakasin

PAGPAPALAKAS sa agrikultura at turismo ang magiging tugon upang labanan ang napipintong krisis sa pagkain sa bansa.

Isinulong ni Camarines Sur Rep. Diosdado “Dato” Macapagal Arroyo ang pagpapalakas sa agri-tourism sa bansa upang magarantiyahan ang produksyon ng sektor ng agrikultura, bukod pa sa lilikha ng mga oportunidad at trabaho sa mga probinsya, dagdag-kita sa lokal na pamahalaan at mapapalakas din ang turismo.

Hindi lamang ito malaking tulong sa ekonomiya at turismo gayundin sa kapaligiran kundi ito ay magsusulong sa pagpapalakas ng lipunan at ng pamilya.

Nakapaloob ito sa House Bill 1808 o ang “Agri-Tourism Promotion Act of 2010” na inihain ni Arroyo na magbubukas sa publiko upang maging pasyalan o lugar na maaaring pagdausan ng recreation activities, edukasyon, pagtitinda, pagkain o panunuluyan sa mga bukirin, rantso, pagawaan ng alak at iba pang operasyong agrikultural.

“The country’s archipelagic topography is very ideal for agri-tourism and this is precisely what we are trying to institutionalize and develop.”

Ayon kay Arroyo, ang agri-tourism ay naging matagumpay sa ilang estado ng Amerika at subok na aniya ang sistemang ito para magkaroon ng mas malawak na pagkakataong kumita ang mga magsasaka at may-ari ng sakahan.

Nakapaloob sa panukalang ito ang pagbibigay ng tax credits ang mga magpaparehistro sa agri-tourism upang makabawi sa gagastusin o pamumuhunan sa nasabing sistema.

Kabilang sa isinusulong ni Arroyo sa Department of Agriculture at Department of Trade and Industry na magbigay ng marketing advice, technical expertise, promotional support at product development hinggil sa agri-tourism.  Meliza Maluntag

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply