Tweet ng fan kay Angelica Panganiban: Chupain mo na lang si Derek!

MAGDEDEMANDA si Angelica Panganiban dahil sa bastos na fan.

Nag-comment siya sa kanyang Twitter account tungkol sa member ng Azkals na si Phil Younghusband. Sey niya, huwag na raw sanang mag-showbiz si Phil. Mag-concentrate na lang daw sana ito sa pagiging isang football player.

Pero kung anu-ano na ang isinagot kay Angel.

“Kasi nabalitaan ko nga na si Phil may indie film na ginawa. So nag-comment lang ako na parang di ba karamihan ng athlete ganoon na pagkatapos makilala sa sport, mag-aartista na sila? Medyo na-bother lang ako doon na parang katulad nga nang sinabi ko sa Twitter, ngayon pa lang nakikila ‘yung football sa Pilipinas at sobrang nagugustuhan ng mga tao, so sabi ko sana mag-focus na lang muna siya roon. And celebrity na rin kasi siya. I mean kilalang-kilala na rin naman siya ng mga tao bilang football player and member ng Azkals.

So, parang feeling ko ano pang need para mag-artista siya. Focus na lang siya bilang athlete baka kasi mamaya mapuyat siya hindi siya makapag-perform nang maayos, ‘yun lang naman ang concern ko,” kuwento ni Angelica nang makatsikahan namin siya sa taping ng isang programa ng Dos.

Dagdag pa ni Angelica, “Tapos yun nga nag-react yung mga fans ni Phil. Sabi nila, ang damot ko naman, gusto ko raw ako lang ang artista. Sabi ko, ang dami nga namin sa industriya, hindi ko naman gugustuhin na ako lang. May iba lang talaga na hindi ako maintindihan. Kagaya nung isa na sobrang foul, sabi niya chupain ko na lang daw si Derek (Ramsay-boyfriend ni Angelica) dahil dun lang naman daw ako magaling. So ayun, nung una medyo kalmado lang ako, naaaliw lang ako sa kanya kasi sobra siyang affected.

Sinabi pa niya na ampon lang ako, tinapon lang ako ng nanay ko, hindi ako kilala ng tatay ko kaya ganito daw ako wala akong breeding. Hindi ko makita yung koneksyon na magaling akong chumupa, wala akong breading, dun sa sinabi kong sana huwag na lang mag-artista si Phil, mag-concentrate na lang siya sa football. Hindi ko makuha talaga yung koneksyon.

“Hanggang tumawag sa akin si Derek dahil nabalitaan niya ‘yun. Siyempre galit na galit siya. Nabalitaan pa niya na sinabi nung bakla yata ‘yun, na nagkabali-bali pa yung buto ni Derek wala namang nauuwing karangalan sa Pilipinas.

Siyempre sobra siyang nasaktan dun na I mean buong puso siyang naglalaro. And passion niya yun. And hindi naman siya professional football player katulad ni Phil na, kumbaga yun nga ang point ko e, nakikilala na ngayon yung football.

So bakit hindi ka mag-focus dun.  Kasi I’m sure kung kay Derek darating yung ganyang malaking opportunity na makikilala na rin yung Frisbee na ganito kalaki sa Pilipinas,titigilan niya na yung showbiz at ibibigay niya yung buong oras niya sa paglalaro ng Frisbee. Kung yun talaga ang mahal niya di ba? So dun siya na na-hurt na hindi naman yun totoo kasi everytime naman na umaalis siya ng Pilipinas at kahit dito sa atin para makipag-compete e nananalo naman sila. And nasasaktan pa siya kasi siya ‘yung nagbibigay ng funds sa Philippine team,galing mismo sa bulsa niya. Nagpupunta siya ng Davao, Cebu, Dumaguete, nagti-take time siya para makakita ng mga Frisbee player at makikipag-compete sila sa Shanghai, may competition sila sa Italy, may laban sila sa Brazil. Ang dami niyang ginagawa and inuuwing karangalan sa Pilipinas. And ang tanga niya (fan ni Phil), hindi pala niya alam yun. Wala pala siyang alam sa nangyayari sa Pilipinas. Tapos kung makapag-tweet siya about sa pagtsu-chupa ko, ang galing niya di ba?”

Plano ni Angelica na idemanda ang fan ni Phil.

“Sabi nga niya (Derek) parang kung ano ang opinyon ko doon susuportahan niya ako. Sabi ko kung ako gusto kong idemanda siya. Nalaman ko kasi na puwede palang magdemanda dahil sa mga words na ginamit niya. Sinabi nga ni Derek na susuportahan niya ako. And naniniwala siya na kailangan ng legal action tungkol sa ginawa ng taong yun.”

Kaya lang pano niya makikilala yung nagtu-tweet sa kanya?

“Hinahanap na namin siya. May mga common friends pala kami. So alam ko na yung full name niya. Alam ko na kung taga saan siya sa Cebu. Alam ko kung saan siya nag-aral. So unti-unti baka maya-maya malaman ko na rin yung address niya,” dagdag ni Angelica.

“Sinasabi ko nga kaming mga artista gumagawa kami ng Twitter para mapalapit sa mga tao, sa mga fans namin, sa mga nagmamahal sa amin. So huwag nilang gawing way yung para murahin kami, bastusin kami, kumbaga tapak-tapakan yung pagkatao namin. Kasi artista kaming nagbibigay ng saya at hindi kami nambabastos ng tao. So huwag nilang gawin sa amin yun,” sey pa ni Angel.

*****

LIVE na mapapanood ang guwapong sexy actor ng’Laruang Lalake,” Campus Crush,” “Discreetly,” “Mga Pinakamahabang One Night Stand 2” at “Hinala” na si Arjay Carreon. Siya ang special guest sa March 18 sa ‘Guwapong Machete, Ultimate  Bikini Showdown’ sa Machete Entertainment Bar Lourdes tt. cor , Roxas Blvd tapat ng Boom na Boom.  Bukod sa mga naggwagwapuhang bagets at fresh from Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna na candidates ng ‘Guwapong Machete’ rarampa rin ng sexy si Arjay.

Para sa ibang detalye, tumawag sa 7100352 at 09053595091.

Si Arjay Carreon ay isa sa freshest face and body sa independent movie industry at madali siyang nagustuhan ng mga tao simula nang mapanood siya sa launching movie niyang “Campus Crush” ng Queeriosity Project directed by Crisaldo Pablo.

Ang nagustuhan ni Direk Cris kay Arjay ay wala itong arte pagdating hindi lang sa paghuhubad kundi sa approaches nito sa pag-arte sa kamera. Agad na nagustuhan din si Arjay ni Lex Bonife at Jay Altarejos kaya ginawa itong bida sa box office hit na “Laruang Lalake” last year. Mala-Aljur Abrenica at Rainer Castillo daw kasi ang morenong balinkinitang kabataan.

Sa March 16/23 lalabas na ang kanyang indie movie titled “Hinala” kasama ang indie heartthrob na si Joeffrey Javier at ang hunk na si Justin De Leon at sa mga nakasilip ng movie ay hindi lang nagsasabing magandang pelikula ito para sa mga nasaktan na sa pagmamahal kungdi magandang panoorin din ito ng gustong masilip naman ang buong buyangyang na harapan ni Arjay.

‘Yun na! Roldan Castro

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply