US pumosisyon na sa palibot ng Libya

PUMOSISYON na ang United States palibot ng Libya ayon kay Pentagon spokesman Colonel Dave Lapan.

“We have planners working various contingency plans, and I think it’s safe to say as part of that we’re repositioning forces to provide for that flexibility once decision are made,” sabi ni Lapan.

Ang pagpapadala ng karagdagang pwersa sa dagat at himpapawid ay makakapagbigay kay President Barack Obama ng mga options kung anong gagawin sa rehimen ni Moammar Gadhafi.

Kamakailan laman ay nagpahayag na si Obama na dapat na umanong umalis si Gadhafi sa pwesto. Ito ay matapos maiulat na marami na ang nasasawi sa mga raliyista matapos pagbabarilin.

Nagbigay narin ng ultimatum ang NATO maging ang mga karatig bansa sa Europa.

Sakaling magkaroon ng military intervention ang US, puwede umanong gamitin ang USS Enterprise na kasalukuyang nasa Red Sea at ang USS Kearsarge na may mga lulan na helicopters at tinatayang aabot ng 2,000 na mga marines.

Gusto rin magpatupad ng no-fly zone ng US sa Libya para hindi na umano magamit ang pwersang panghimpapawid ni Gadhafi para banatan ang kanyang mga kababayan.

Nais rin nilang matayo ng mga refugee camps sa Tunisia o dili kaya sa Ehipto para matulungan ang mga lumilikas. Maari ring gamitin ng US military ang kanilang kapasidad para hindi na makapag-broadcast si Gadhafi sa kanyang State Television.

“The American military was preparing for a range of possible options but no final decision had been taken. We’re very much in an exploratory phase right now,” ayon sa isang US defense official. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply