U.S. Spokesman nagbitiw

NAGBITIW sa kanyang puwesto ang U.S. Spokesman na si PJ Crowley matapos ang kanyang pahayag na mali umano ang ang pagkakakulong kay Intelligence Analyst Bradley Manning, ang hinihinalang source ng wikileaks.

Kasalukung nakapiit si Private Manning sa isang US maximum security jail sa Quntico maring base sa Virginia, USA.

Mahigpit na binabantayan sa kasalukuyan si Manning dahil nagtatangka umano itong magpakamatay. Ang dating analyst ay may 34 na kasong kinakaharap hinggil sa pagpapalabas niya sa 720,000 mga mahahalagang dokumento ng Estados Unidos.

nanghihinayang man, tinanggap na ni US Secretary of State Hillary Clinton ang resignation ni Crowley.

“He had served his nation with distinction, motivated by a deep devotion on public policy and public diplomacy”, ayon kay Clinton.

Sa isang talumpati sa Massachusetts Institute of Technology, sinabi ni Crowley ang pagkakadetine kay Manning ay isang stupido.

“What is happening to Manning is ridiculous, counterproductive and stupid, and I don’t know why the DoD [Department of Defense] is doing it. Nevertheless, Manning is in the right place,” dagdag pa ni Crowley. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply