Ungos sa suntukan, nadale sa saksakan

NASA malubhang kalagayan ngayon ang isang binata nang saksakin ng tinalo nito sa suntukan sa Caloocan City Linggo ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Romeo Aguinaldo, 24, ng Barangay 176, Bagong Barrio. Naaresto naman ang suspek na si Roger Real III, kapitbahay ng biktima.

Alas-onse ng gabi noong LInggo nang maganap ang krimen sa harap ng isang panaderya, hindi kalayuan sa tinitirahan ng biktima.

Nabatid na nagkahamunan ng suntukan ang dalawa, subalit nang magapi ang suspek at kumuha ito ng patalim at sinaksak ang biktima.

Tatakas sana si Real, ngunit ‘di ito nagtagumpay nang maabutan ng mga awtoridad. Merly Iral

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply