UP inutil sa hazing case ng judo coaches

NAGPASYA na lamang dumulog sa Department of Justice (DOJ) ang pamilya ng biktima ng hazing sa University of the Philippines (UP)  na umano’y kagagawan ng tatlong Judo coaches dahil hindi ito makakaasa ng patas na trato sa kaso sa nasabing unibersidad.

Una nang kinasuhan sa DOJ ni UP freshman Miguel Pangalangan, 17, si judo coach Emmanuel Jingco, dahil sa pagsasagawa ng “hazing ” kasama ang dalawang assistant coaches nito na sina Sherwin Bacay at Edgar Ordillas.

Sumingaw na ang biktimang si Pangalangan ay nakapiring habang sinasapak ng mga 10 katao at ang iba’y nakatakda rin umanong isailalim sa “initiation.”

Naghimutok rin ang ama ng biktima na si dating UP College of Law Dean Raul Pangalangan dahil mistulang pinagtatakpan umano ang kaso.

“Yung purpose ng sapak, para maalala. So make it, sabi nila, maaalala niya ‘yung sakit,” pahayag ni Pangalangan.

Ayon sa ulat, ang hazing incident ay naganap noon pang Abril 7 ng nakaraang taon.

Nagtataka rin ang ama ng biktima kung bakit sa kabila ng pagkakasampa niya ng petisyon noong Setyembre 2010 laban sa coach at dalawang iba pa ay nananatili pa ring acting judo coach si Jingco na opisyal ng ng UP College of Human Kinetics .

“Ang pakiramdam ko, mukhang niluluto ‘yung kaso sa level ng kolehiyo,” pahayag ng dating dean.

Habang isinusulat ito ay wala pa ring opisyal na pahayag ang UP hinggil dito at anila’y hinihintay pa ng pamunuan ang resulta ng imbestigasyon nito.

Ayon kay Ariel Juliano, officer-in-charge of the investigation, ang isang recommendation ay naisampa na sa UP Diliman chancellor na si Sergio Cao at ito na ang hahatol sa kaso. Gilbert Perdez

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply