(update) BF nabuking na bakla: Ethel Booba nanunog ng condo

TINANGKANG sunugin ng komedyanteng si Ethel Booba ang kanyang inuupahang condo unit matapos magalit nang mabukong bakla ang kanyang foreigner boyfriend sa Timog Avenue, Quezon City kaninang madaling-araw.

Si Booba o Ethel Gabison sa tunay na buhay, 32 ay nagalit sa kanyang Romanian boyfriend nang ibuko ng isa sa kanilang malapit na kaibigan na ito ay isang bakla.

Sa ulat ng Quezon City Bureau of Fire Protection, naganap ang sunog dakong 5:45 ng umaga kanina sa inuupahang condo unit ng komedyante sa 8th floor ng Prince June Condominium, Timog Avenue, Bgy. Laging Handa.

Nabatid na unang sinunog ng aktres ang lamp shade at kurtina sa kanyang kwarto na agad din namang naapula nang agad na gumana ang spring alarms sa nasabing condo.

Nangangalap pa rin ng iba pang ebidensya ang operatiba ng arson investigator ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa condo unit ng komedyante. Santi Celario/ James de Jesus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply