Update: Magdamag na sunog sa Paranaque di pa rin naaapula

KASALUKUYAN pang inaapula ng mga bumbero ang apoy na tumutupok sa isang warehouse ng food company sa West Service Road, Merville village, Parañaque City na nagsimula pa kahapon ng hapon, Marso 18 .

Ayon sa report ng dzBB, nagsimula ang sunog bandang 5:47 p.m., kahapon sa isang warehouse sa Quantum Food Inc.

Ayon sa mga bumbero, nahihirapan silang maapula ang apoy dahil sa mga “flammable” food products sa loob ng warehouse.

Nabatid pa sa Twitter account ng mga fire volunteer group TXTFire Philippines, umabot na sa ikaapat na alarma ang naturang sunog gabi ng Biyernes.

Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng sunog. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply