Natitirang OFWs sa Libya dapat ilikas

NANAWAGAN kahapon, Marso 20 si  Gabriela Rep. Luz Ilagan sa gobyerno na agarang ilikas ang mga overseas Filipino worker (OFW) sa Libya dahil sa pagpasok ng US military doon.

Ayon kay Ilagan, ngayong nakialam na naman ang Amerika, delikado na ang lagay ng mga OFW sa nasabing bansa dahil sa gagawing intensified military attacks ng Amerika sa bansa ng langis.

Aniya, mahalagang gumawa ng paraan ang Philippine government upang siguruhin ang kaligtasan ng mga OFW sa nasabing bansa.

Target ng US-led military intervention ang Tripoli na siyang kapitolyo ng Libya.

Sa nasabing lugar ay may libu-libong OFW ang nagtatrabaho, kung saan kasama ang mga nurse at doktor sa ospital.

Ani Ilagan, kahit may mga OFW pa na gustong manatili sa Libya dahil sa kawalan ng employment opportunities sa bansa, kailangan pa ring magkaroon ng system of evacuation on standby ang gobyerno ng Pilipinas sakaling umatake ang kampo ng Amerika sa Libya.

Kailangan umanong makaalis agad ang mga Pinoy sa Libya sa unang US military attacks pa lamang upang hindi na maulit ang nangyari noon sa US attack sa Iraq.

Dagdag pa n i Ilagan, nakikialam na ang US government sa political at economic affairs ng Libya kahit pa ang sinasabi nila ay nais lamang nilang protektahan ang mga sibilyan.

Aniya, malaki ang hinala niyang nais lamang ng US na kunin ang kontrol sa langis at natural resources ng Libya.

Dahil dito, malalagay umano sa panganib ang buhay ng milyun-milyong tao. Nenet Villafania
__,_._,___

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply