US study sa Marikina Fault Line ‘di sinunod ng gobyerno – Gringo

HINDI na kailangan pang mangamba ang pamahalaan sa posibleng pagyanig ng Marikina West Valley Fault Line na posibleng magdulot ng 7.2 magnitude na lindol kung sinunod ang pag-aaral na isinagawa ng United States noong 1950s.

Sa panayam, sinabi ni Sen. Gregorio Honasan na kung napaghandaan at tinupad lamang ng lahat ng nakaraang gobyerno ang pag-aaral na isinagawa ng mga Amerikanong enhinyero noong 1950s, hindi na dapat nangangamba ang bansa sa posibleng malakas na paglindol.

“Sixty  years ago, may studies ang mga Amerikano. Sila ang unang nagsabi sa atin na kailangan magkaroon tayo ng disaster preparedness. Walang building sa Marikina noon pero ngayon ang dami na,” giit ni Honasan.

“Dapat nakinig na tayo sa kanila noon. Kasama iyon sana sa paghahanda eh. Ang magagawa na lamang natin ngayon is casualty reduction,” dagdag niya.

Sinabi pa ni Honasan na kailangan din ngayon na mahigpit na ipatupad ang Land Use Policy sa buong bansa partikular sa mga lugar na dinadaanan ng fault lines.

“Sa Land Use Policy iwasan dapat ang pagtatayo ng mga gusali at pamayanan sa posibleng dadaanan ng lindol at posibleng mahagip ng tsunami. Iyon ang long term,” ani Honasan. “Sa short term, kailangan umasa o sumandal tayo sa mga regional alliances natin.” Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply