Usapin sa SIM registration binuhay ni Sen. Revilla

BINUHAY ni Sen. Ramon Revilla, Jr. ang usapin kaugnay sa SIM registration dahil sa pagkalat ng mga text messages na naging dahilan ng pagpa-panic ng taumbayan kaugnay sa radiation mula sa sumabog na nuclear plant sa Japan na umano’y aabot sa Pilipinas.

Ayon sa senador, kailangang mapanagot ang mga nasa likod ng nagpapakalat ng maling impormasyon na naging dahilan ng pagpapanic ng mga tao.

Kaugnay nito, kinalampag ni Revilla ang National Telecommunications Commission (NTC) na gumawa ng paraan para matigil na ang pagpapakalat ng mga maling text messages.

Sinabi ng senador, kung hindi man matukoy ang nasa likod ng nagpapakalat ng text messages ay putulin na lang ang linya ng SIM na ginamit.

Samantala, sinabi naman ni Sen. Pia Cayetano na sa halip na patulan ang mga kumakalat na text messages ay dapat sa mga awtoridad makinig ang publiko tulad ng Department of Health (DOH), Department of Science and Technology (DOST), PAGASA at Philippine Nuclear Research institute (PNRI) na silang nakakaalam sa usapin.

Hindi dapat aniya magpanic sa oras na makatanggap ng kahalintulad ng text sa halip ay magiging mahinahon at makinig sa abiso ng mga awtoridad. Vicky Cervales

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply