UST-Ironcon, Lyceum-Uratex wagi sa MBL

PINABAGSAK ng University of Santo Tomas-Ironcon Builders ang Wang’s Ballclub, 81-63, para sa ikalawang dikit na panalo nito sa 2011 MBL Open Basketball Championship sa Lyceum gym sa Intramuros, Manila.

Ang “Twin Towers” na kumbinasyon nina Chris Camus at Kevin Ferrer ay nanaig ng husto laban sa kanilang mga katapat mula Wang’s Ballclub.

Nagpasiklab naman sina Clark “Tata” Bautista at Jeric Fortuna sa kanilang outside shooting upang pamunuan ang Tigers nina coach Pido Jarencio at manager Jaime Lim sa nakabibilib na panalo sa 8-team tournament na itinataguyod ng Dickies Underwear, Smart Sports, PRC Couriers, WG Diners at Big Brother Tarpaulin Printing.

Si Camus ay nagbuslo ng game-high 13 puntos, habang si Ferrer ay nagdagdag ng 12 puntos para sa UST-Ironcon, na nanguna mula simula hanggang katapusan.

Ito ang ikalawang panalo para sa UST-Ironcon na nagwagi din laban sa FESSAP-Asian University champion Lyceum of the Philippines-Uratex, 92-79, noong opening day nung Marso 8.

Sina Bautista, Fortuna at Cameroonian-recruit Karin Abdul ay tumipa ng tig-11 puntos.

Ang dating University of Manila standout na si Ryan Regalado ang nagdala ng laban para sa Wang’s Ballclub  sa kanyang 12 puntos, kasunod sina ex-pros Jonathan Aldave at Biboy Simon, na may tig-sampu.

Sa unang laro, pinataob naman ng Lyceum-Uratex ang CUSA heavyweight na Manuel Luis Quezon University, 90-69.

Si John Foronda, isang 6-6 transferee mula Letran College, ay gumawa ng 15 puntos at 10 rebounds para sa Pirates ni coach Bonnie Tan.

Ang mga iskors:

First game
Lyceum-Uratex (90) — Foronda 15, Rimando 12, Ong 11,Zamora 9, Kho 8, Santos 8, Cayabyab 8, Guevara 7, Difuntorum  6, Abaya 2, Lacap 2, Azores 1, Anacta 1.

MLQU (69) — Urbano 17, Manalansan 15, Custodio 11, Vitug10, Sumayang 4, Mendoza 4, Macalangcom 4, Lazo 2, Celso 2, Domines 0, Reodava 0, Lee 0, Rosario 0.
Quartescores:  22-30, 41-34, 64-54, 90-69.

Second game
UST-Ironcon (81) — Camus 13, Ferrer 12, Bautista 11,Fortuna 11, Abdul 11, Tan 5, Teng 5, Afuang  3, Pe 2, Javier  2, Lo 2, Sheriff 2, De Guzman 2.

Wang’s (63) –Regalado 12, Aldave 10, Simon 10, Orera 6,Cuevas 5, Manthe 4, Pinera 4, Diaz 4, Martinez 3, Reyes 2, Litonjua 2, Maconocido 1.
Quarterscores:  18-16, 42-29, 57-48, 81-63. Radito Torres

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply