Uugod-ugod na, ayaw pang magretiro, Go Teng Kok isinuka ng PKF

TINAWAG na sugapa sa pwesto ng ilang miyembro ng National Sports Associations (NSAs) si dating Philippine Karatedo Federation (PKF) president at kasulukayang pinuno ng Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) na si Go Teng Kok.

Ito’y matapos na makipag-agawan pa ng pwesto bilang presidente ng PKF at makipagbangayan sa bagong halal nitong presidente na si Joey Rosamanta na kasalukuyan ding Spokesperson ng Philippine Olympic Committee.

Kamakailan, pinatutsadahan ni GTK si Rosamanta na lumahok sa isang general meeting upang bigyan tuldok ang usapin sa liderato ng asosasyon.

Ayon sa grupo ni Rosamanta, pinagugulo lang ni GTK ang PKF dahil imbes na tanggapin na hindi na siya ang presidente nito ay nakikipag-agawan pa rin sa pwesto na siyang nagiging sanhi ng pagkademoralisado ng karate national teams.

“Bakit kasi nanggugulo ka pa GTK, pwede bang tanggapin mo na lang na inihalal ng 11 miyembro ng board si Rosamanta bilang kahalili mo sa pagiging presidente ng grupo, kaya pwede ba manahimik ka na at isa pa matanda ka na at hindi na bagay humawak ng maraming NSAs,” ani ng kritiko na ayaw magpabanggit ng pangalan.

Kamakailan, nagsumite ang grupo ng isang resolusyon na nagpapatalsik kay GTK dahil sa paglabag nito sa PKF by-laws na nagbabawal sa pangulo na humawak ng ibang pang asosasyon.

Ayon naman kay GTK handa niyang iwanan ang PKF basta lang hindi sa traydurang paraan.

“Wala akong planong manatili bilang PKF president, pero gawin natin sa legal na pamamaraan ang lahat at huwag ‘yung trayduran,” sambit ni Go.

Sinabi ng grupo ni Romasanta na walang kwenta ang ipinatawag ni GTK na General Assembly dahil wala na siyang karapatan sa PKF.

Dapat pabayaan na ni GTK ang PKF para maging matahimik ang ensayo ng national team ng karate at para makapaghanda ito ng husto sa nalalapit na SEA Games sa Jakarta. Gilbert Perdez

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply