Uwian na!

KAHAPON nasunog ang isang komunidad dito sa amin sa Quezon City. Ang daming tao ang nawalan ng bahay. Hanggang kaninang umaga ay may ilan pa na nasa tabing kalsada natutulog, binabantayan ang mga gamit na nailikas nila mula sa sunog.

Nag-iiyakan ang mga tao, humihingi ng tulong sa gobyerno.  Nauna na rito ang mga Pilipino sa ibang bansa nag-iiyakan din, gustong umuwi dito sa Pilipinas.

Ang ilan na nasa Japan kinakalampag ang Department of Foreign Affairs dahil nanghihingi ng tulong para mabigyan ng pamasahe pang uwi sa Pilipinas.

Bago nangyari ang delubyo sa Japan, nag-uwian na rin ang mga Pilipino mula sa magulong mga bansa tulad ng Libya at Egypt, at mula sa nagbabanta ring gulo sa iba pang bansa sa gitnang Silangan.

Sa lahat ng problemang ito, laging nasa balita ang epekto sa presyo ng gasolina pero sa aking palagay, mas nakaka-alarma ang problema ng pagdagsa ng mga nag-uuwian ng mga Pilipino mula sa ibang bansa.

Uwian na.

Problema ito! Syempre ang mga mag-uuwian ay maghahanap ng trabaho, maghahanap ng kalinga ng gobyerno. Handa ba tayo, handa ba ang administrasyon ni Noynoy Aquino? Kung may alarma na dapat mas itaas pa, ito siguro ito ay ang alarma para sa suliraning maaaring idulot ng uwian nang ito.

Tandaan pa na mababawasan ang dollar remittances kung mag-uuwian ang ating mga kababayan.

Pero bukod dito, makikipag-agawan pa sila sa mga kababayan natin na hirap na ring maghanap ng trabaho dito sa bansa.

Sa gitna ng maraming isipin – nandyan ang libu-libong mga tao na nawalan ng bahay at ari-arian dahil sa sunog, mga pagbabanta ng lindol na maaring manalanta daw sa mga bayan na tulad ng Marikina — dagdag pa ang isipin ng mga nag-uuwiang mga Pinoy.

Sana ay nabibigyang panahon at atensyon ng gobyerno ang mga pangyayaring ito.

Kailangan ang matibay na programa ng gobyerno para harapin ang magiging problema ng nangyayaring uwian.

Mag- email po kayo sa akin tungkol sa usaping ito sa: ariel.inton@gmail.com. Mahalaga sa akin na malaman ang inyong salobin at opinyon. Atty. Ariel Enrile-Inton

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply