Valerie Concepcion nag-ober da bakod na sa Kapatid network

KUMPIRMADO nang certified Kapatid na si Valerie Concepcion dahil nagsisimula na siyang magtaping ng Mga Nagbabagang Bulaklak kasama sina Richard Gomez, Sheryl Cruz, Ruffa Gutierrez at Philip Salvador.

Makakatsikahan namin si Valerie para itanong kung anong dahilan ng pagkakatsugi niya sa ABS CBN?  Tinanggal ba siya or kusa siyang umalis sa Kapamilya Network?

Anyway, sa Nagbabagang Bulaklak ay isang network owner producer ang role ni Richard Gomez at masayang-masaya ang actor dahil balik drama na siya sa TV pero hangad pa rin raw niya ang makagawa ng isang pelikula.

“Sana kapag gumawa uli ang TV5 ng pelikula ay mapasama ako,” dalangin ni Goma. “Matagal na rin ako hindi lumalabas sa pelikula. Iba talaga ang feeling kapag nakaharap ka sa camera.”

Sa nagtatanong kung bakit hindi pa nila nasusundan ang kanilang daughter ni Lucy Torres na si Julianna?

“Lahat na nga ginawa na namin ni Lucy, pati nga mag-acrobatic nasubukan na naming” natatawang say ni Goma.

Never nilang ginawa ang birth control dahil pareho silang pro-life advocate ni Congresswoman Lucy Torres.

Kahit nga raw artificial insemination ay ayaw nila gawin dahil nga sa pagiging pro-life nilang mag-asawa.

Kasi raw sa mga fertilized egg cell, pipili lang ng isang pinakamalakas at ang iba ay discanded na. May buhay pa raw ang mga ito kaya tutol sila.

*************

Sa sobrang hanga ni Direk Wenn Deramas kay Eugene Domingo ay binansagan niyang itong Shooting Star.

Nasaksihan kasi ni Direk Wenn ang pinagdaaanan ni Uge at kung paano nito naabot ang tagumpay kaya ngayon pa lang ay pinag-iisipan na ni Direk igawa ng follow up movie si Uge.

Nag-iisip na si Direk Wenn nang magandang istorya na babagay sa character ni Uge na siya lang ang nag-iisang artista.

Samantalang ngayong Sabado ay pasasayin muli ni Uge ang televiewer sa Comedy Bar kasama sina Allan K, Fabio Ide, Six Long Band at ang mga Beergins.

Guest nila sa CB sina Tim Yap, Steff Prescott, Gene Padilla para maglaro sa segment na Ipasok Mo Sa`yo at kaabang-abang ang pagbibigay ng payo ni Fabio.

Ang tanong, makatulong kaya ang gagawing payo ni Fabio?

**************

Ilan lang ang nakakaalam na biktima rin ng human rights si Direk Joel Lamangan during Marcos rule kaya tulad ng iba pang nag-suffer ng same fate ay na-entitle rin si Direk Joel sa $1,000 compensation na ibinibigay ngayon ng Human Rights Commission sa mga biktima.

Katunayan nasa kamay na ni Direk Joel ang tseke at balak niya itong ipamahagi sa mga biktimang tulad niya during the Martial Law days.

Isa si direk sa maraming aktibista na nakulong ng dalawang taon sa isang isolation jail. Lahat raw ng klaseng torture ay kanyang naranasan at may mga peklat siya sa katawan bilang katibayan ng pagpapahirap na dinanas niya.

Akala raw ni direk ay katapusan na niya during that day. Sana raw bukod sa monetary compensation na ibinigay sa “kanila” ay makatanggap rin sila ng apology raw sa mga Marcoses.

Sa kasalukuyan, si Direk Joel ang director ng bagong series sa GMA 7, ang Magic Palayok.

*************

Ano kaya ang tunay na dahilan ng pagpapaalam ni  Wendell Ramos sa number one gag show na Bubble Gang.

Hihingin din namin ng reaction niya sa nagsasabing hindi siya kawalan sa nasabing sitcom na napapanood every Friday sa Kapuso Network dahil ang main star ng gag show at nagdadala sa programa ay sina Michael V at Ogie Alcasid. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply