Valerie Concepcion palaban na!

NAISULAT ko na before ang nakamamanghang talent ni Joseph The Sand Artist na siyang choice kong tanghaling second Ultimate Talentado sa Talentadong Pinoy ng TV5.

Kakaiba kasi ang talent ng tricycle driver na ito from Laguna na Joseph Erwin Valerio ang tunay na pangalan.

Magagaling lahat ang tinalo niya tulad nina Beatbox Gor, The Believers, New Born Divas, Sfazhiva, Zion Show, Fire Attraction, RR Friends, at ang wild card finalist na Belinda Adora’s Stepkids. Pero sa bandang huli, ang natatanging talent sa art ni Joseph ang naging susi para masungkit niya ang isang milyong pisong premyo, brand new car, at ang karapatang i-represent ang Pilipinas sa World Championship of Performing Arts (WCOPA) sa Hollywood.

Sadyang dapat saluduhan ang lahat ng finalist ditto dahil talagang grabe sa gagaling silang lahat. Reklamo nga ng sampung talent scouts (judges) na sina Richard Gomez, Congresswoman Lucy Torres-Gomez, head ng Talent 5 Audie Gemora, WCOPA national director Kitchie Benedicto, talent manager Annabelle Rama, host/actress Ruffa Gutierrez, Queen of the Strip (Las Vegas) Lani Misalucha, comedienne Tuesday Vargas, actress Alice Dixson, at comedian/host Joey de Leon, pinahirapan daw sila nang husto ng mga finalists.

Pinatunayan din ng naturang finals night ng Talentadong Pinoy ang lakas nito sa ratings game nang nakakuha ito 56.5 % ratings batay sa AGB Nielsen Philippines.

Inanunsiyo rin ni Ryan na ang susunod na season ng Talentadong Pinoy ay magiging pang-international na.

Incidentally, ang  Celebrity Showdown naman ay napagwagian ni Ciara Sotto kontra kina Rosanna Roces, Valeen Montenegro, at Regine Tolentino.

Hopefully, maalagaan nang husto ng TV5 si Joseph The Artist dahil isa siyang pride ng bansa at tiyak na magiging inspirasyon ng mga taong naghihirap sa buhay.

* * *

Mas palaban na raw ngayon ang napaka-seksing si Valerie Concepcion. Kung dati ay hindi pa ito tumotodo s pagtanggap ng mga sexy role, ngayo’y hindi na. Sa pinakabagong soap opera niya sa TV5, ang Nagbabagang Bulaklak, ibang Valerie ang mapapanood dito gayundin sa isang primetime soap sa Kapamilya Network na inumpisahan na rin niya ang pagte-taping.

Lagare beauty ang bansag ngayon kay Val dahil kung hindi siya nasa taping ng Kapamilya at Kapatid, nagho-host naman siya sa mga event. Tuwang-tuwa nga si Val dahil dumadagsa ang blessings para sa Hot Mama na ito. Ginagawa naman kasi niya ang lahat para sa kanyang little girl, kaya no wonder, pinagpapala ang seksing aktres.

Samantala, ibang Valerie rin ang mapapanood sa nalalapit nilang show, ang Luv en Laugh (Todo Na ‘To) with Duncan Ramos, Jose Manalo, at Wally Bayola sa March 19, sa Zirkoh, Tomas Morato, Quezon City.

Todong saya ang mapapanood sa Luv en Laugh  kasama rin ang bagong crush ng bayan na si Neil Coleta (The Nestea Boy), Arthur Pangilinan, Lemuel Santos, Alexzies, Timothy Chan, Jak Roberto, Mara Alberto, Lester Lucas, Sagjaun Band, Knights Band  atbp. Ang tiket ay mabibili sa halagang P1000 at P500, para sa iba pang detalye, tumawag sa 09208919263, 7100352, at 09053595091. Nonie Nicasio

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply