Van, trak nagsalpukan, 5 todas, 10 sugatan

LIMA ang patay at mahigit sa 10 ang sugatan sa banggaan ng van at dumptruck sa Barangay Ligaya, General Santos kaninang tanghali.

Kinilala ang mga namatay na sina Irenea Albaracin, 43; Ronald Albaracin, 20; Irneo Albaracin, 77; C-Jay Albaracin, 1, at Meme Albaracin, 21.

Napag-alaman na ang mga biktima ay pauwi na ng Gensan galing sa isang kasalan nang pagsapit sa Brgy. Ligaya ay bigla na lamang nakabanggaan ng van na minamaneho ni Ronnie Batoampo ang truck na dala naman ni Noel Donaire.

Sinasabing nawalan umano ng kontrol ang dumptruck na ikinawasak ng van.

Patuloy naman sa imbestigasyon ng awtoridad.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply