Vendor nahagip ng motorsiklo, patay

MINALAS na masawi ang isang 46-anyos na sidewalk vendor makaraang mahagip ng unahan ng motorsiko habang nagtitinda sa Don Mariano, Bus Terminal sa Quezon City, Linggo ng gabi, Marso 6.

Namatay habang isinusugod sa East Avenue Medical Center ang biktimang si Fernando Ponyan, ng 391 Everlasting St., Barangay Payatas A, Quezon City sanhi ng pagkabagok ng kanyang ulo sa semento.

Batay sa ulat na isinumite ng Quezon City Police Department-District Traffic Enforcement Group (DTEG), ang insidente ay naganap bandang 8:30 ng gabi sa harapan ng nasabing terminal ng bus sa nasabing lungsod.

Lumitaw sa pagsisiyasat na nagtitinda noon ang biktima ng biglang bundulin ng isang humahagibis na Suzuki motorcycle (ZN 742) na minamaneho ng suspek.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay bumaligtad ang biktima na unang tumama  ang ulo sa kongkretong kalsada.

Kusang loob namang sumuko ang nakasagasang driver na si Michael Banares, 28-anyos na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide habang pansamantala itong ikinulong sa detention cell ng himpilan. Alex Ching

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply