Vic Sotto ayaw nang mag-asawa

NAGPAPASALAMAT naman ang top executives ng GMA 7 na sina Atty. Felipe Gozon at Mr. Jimmy Duavit dahil hindi raw sila nahirapang makipag-usap sa mga taga-Eat Bulaga kaya nagkapirmahan na agad ng kontrata.

Ganundin naman ang mga taga-Bulaga na malaki ang pasasalamat sa GMA 7 dahil sa magandang pagtrato sa kanila, kaya wala na raw silang balak na lumipat pa sa ibang istasyon.

Sabi ni Joey de Leon, sa patuloy na pamamayagpag ng Eat Bulaga, mas concern na raw nila ngayon ang pagbibigay ng public service sa manonood.

Dito rin namin nakausap ang bossing ng EB na si Vic Sotto.

Siyempre inintriga namin siya kung ano ang reaksiyon niya sa sinasabi ni Dina Bonnevie na siya pa rin ang George Clooney ng kanyang buhay?

Hindi kaya sa ending ay sila pa rin ang magkakabalikan dahil ‘yun pa rin ang hiling ng kanilang mga anak na sina Danica at Oyoboy Sotto?

“Wala tayong magagawa eh. Pero hindi natin masasabi kung ano ang ibibigay sa atin ng Diyos,” sagot ni Bossing Vic.

Sa ngayon ay masaya naman daw siya dahil nandiyan ang kanyang pamilya at Dabarkads sa Eat Bulaga. Hindi lang naman daw lovelife ang nagpapasaya sa kanya. Hindi naman din daw siya naghahangad na magkaroon ng lifetime partner.
Well, hindi man direktang sinagot ni Vic ang aming tanong, sapat na iyon para sabihing hindi na niya type si Dina…

Chos! Gwenn Salamida

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply