Vice Mayor De Guzman Non-Master Chess isusulong sa March 20

IKAGAGALAK ng mga mahuhusay na manlalaro sa Mandaluyong City ang pagsisimula ng 1st Vice Mayor Danny De Guzman Non-Master Chess Tournament na gaganapin sa Marso 20, 2011, Linggo, alas-diyes ng umaga sa Hulo Bliss, Mandaluyong.

Ang torneyo ay inorganisa ng Hulo Bliss Community Association sa pangunguna ni Tournament Director Frandy Yu at inisponsoran ni sports-lover Mandaluyong Vice Mayor Danny De Guzman.

Ang palaro ay bukas sa lahat na mga non-titled chess enthusiasts. Ang tatanghaling kampeon ay mag-uuwi ng P4,000; sa 2nd place – P2,500; 3rd Place – P1,500. P600 naman para sa 4th, 5th, 6th at 7th; habang P300 naman sa 8th, 9th at 10th place.

Ang format ng palaro ay isasagawa sa Seven (7) Rounds Swiss System at bawat manlalaro ay bibigyan ng 25-minuto hanggang sa matapos ang laro.

Sa mga nagnanais sumali ay kumontak lamang kay Frandy Yu sa 0928-9586826.  Ang entry fee para sa laro ay P200 para sa mga non-residents ng Mandaluyong; P150 para naman sa mga residente ng lungsod; P100 sa mga kabataan at libre naman sa mga taga-Hulo Bliss. Liberty Icao

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply