Villar ipinalilitis na ng Korte Suprema

NAGBIGAY na ng “go signal” ang Korte Suprema para sa pagsalang ng ethics complaint laban kay Sen. Manny Villar kaugnay ng kontrobersyal na C5 Road Extension Project sa Senate committee of the whole mula sa Senate committee on ethics.

Sa desisyon ng Supreme Court en banc na pinonente ni Senior Justice Antonio Carpio, “partially granted” ang inihaing petition for prohibition ng noon ay minorya ng Senado na kinabibilangan nina Villar at  Senators Aquilino Pimentel, Joker Arroyo, Francis Pangilinan, Pia Cayetano at Alan Peter Cayetano.

Tinukoy ng mataas na hukuman na walang naging paglabag sa karapatan ni Villar at nabigyan umano ito ng due process, pero magkakaroon lamang umano ng bisa ang referral ng reklamo kapag nailathala na sa official gazette o sa mga pahayagan ang Rules ng Senate Committee of the whole.

Maituturing umano na extraordinary remedy ang pag-akyat ng reklamo sa committee of the whole makaraang tumanggi mismo si Villar na sagutin ang paratang laban sa kanya sa ethics committee na pinagduduhan niya na magiging patas sa pagtrato ng reklamo laban sa kanya.

Nagbunsod naman iyon kay Sen. Panfilo Lacson, chairman ng ethics committee, para dalhin ang reklamo sa Senate committee of the whole.

Wala rin umanong naging paglabag sa adoption ng Rules of the Ethics Committee ng nabanggit na komite dahil sa ilalim ng Konstitusyon, ginagarantiyahan ang Kongreso ng kapangyarihan na mag-promulgate ng sariling rules of proceedings.

Pero dahil nakasaad sa Section 81, Rule 15 ng Rules of the Senate committee of the whole, magkakabisa lamang ang  in-adopt na rules kapag iyon ay nailathala na sa official gazette o sa isang pahayagan na may malawak na sirkulasyon. Teresa Tavares

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply