Villoria magiging kampeon muli?

MAGIGING kampeon kayang muli si dating two-time world flyweight champion Brian “The Hawaiian Punch” Viloria?

Nakatakdang lumaban si Viloria kay WBO flyweight champion Julio Cesar “Pingo” Miranda sa isang mandatory title fight. Subalit may lumalabas na balita na magkakaroon umano ng rematch sina Miranda at Richie Mepranum sa April 30, 2011 sa Las Vegas.

Nakuha ni Miranda ang bakanteng titulo nang talunin niya ng 5th round TKO si Mepranum noong June 12, 2010 sa Mexico.

Si Viloria umano ang No. 1 contender sa naturang dibisyon ng WBO at nararapat na ito ang lumaban sa kampeonato, ito ay ayon kay Gary Gittelsohn ang manager ni Viloria.

Ayon kay Gittlesohn nakipag-usap na siya kay Fernando Beltran ang manager ni Miranda at kay WBO President Francisco “Paco” Valcarcel para sa naturang fight.

Si Viloria ang kasalukuyang sumasailalim sa matinding training sa Maywood Gym sa California, U.S.A. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply