Voter’s registration sisimulan na ng Comelec

NAKATAKDA nang simulan ng Commission on Elections (Comelec) ang registration process o voter’s registration sa buong bansa, partikular na sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, ang registration ng mga boboto sa buong bansa ay isasagawa mula Abril 1, 2011 hanggang sa Oktubre 31, 2012, samantala ang mga boboto sa ARMM ay sisimulan sa Marso 21, 2011 hanggang sa Marso 31, 2011.

“The Comelec will begin its nationwide drive to inform the public on the upcoming voters’ registration. We urge them to be on the look out for Comelec voter education activities that will be conducted in their area,” ayon kay Jimenez sa isang kalatas.

Kasabay nito, hinikayat ni Jimenez ang publiko na regular na bisitahin ang kanilang official website na http://comelec.gov.ph at blog ng Comelec-Education and Information Department (EID) na http://comelec.wordpress.com para maimpormahan sa mga update at iba pang election-related information.

Ang halalan sa ARMM ay nakatakda sa Agosto 8, 2011, bagama’t may mga panukalang ipagpaliban ito at isabay na lamang sa 2013 midterm elections. Kyle Gatus

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply