Wade, James nagpasiklab sa Heat

PINAUSOK nina star players LeBron James at Dwyane Wade ang Miami Heat upang tustahin ang Philadelphia 76ers, 111-99, sa pagpapatuloy ng 2010-11 National Basketball Association regular season.

Nagtumpok sina Wade at James ng 71 puntos para ilista ang 50-22 win-loss card ng Miami sa Eastern Conference Southeast division.

Bumira ng 39 puntos, 11 rebounds, walong assists, limang block shots at tatlong steals.

“Dwyane was simply sensational,” masayang saad ni Heat coach Erik Spoelstra.

Nakatipon din si James ng 32 puntos, 10 boards, tatlong steals at dalawang assists habang si Chris Bosh na kasama ng una at ni Wade sa nabansagang “Big 3” ng Miami ay nag-ambag din ng 20 puntos.

“These three guys are special players,” wika pa ni Spoelstra, “They can do special things.”

Umayon naman si 76ers coach Doug Collins sa winika ng kapwa coach.

“They just had another gear,” sabi ni Collins. “Those three guys got 91 points. That’s tough to beat.”

Samantala, umalagwa na sa tuktok ng Eastern Conference ang Chicago Bulls matapos suwagin ang Memphis Grizzlies, 99-96.

May 52-19 panalo-talo ang Bulls kung saan ay dalawang laro na ang lamang nila sa Boston celtics na nabigo sa Charlotte Bobctas, 81-83.

Sa ibang NBA resulta, pinayuko ng Sacramento Kings ang Indiana Pacers, 110-93 habang kinaldag ng Milwaukee Bucks ang New York Knicks, 102-96. Elech Dawa

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply