Waitress minartilyo ng ex-lover, patay

BASAG ang bungo at sabog ang bungaga ng isang 31-anyos na waitress matapos martilyuhin Linggo ng gabi ng umano’y dating nobyo dahil sa selos sa Tondo, Maynila.

Kinilala ni P/Insp. Armand Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide Section ang biktimang si Sheryl dela Cruz, ng Tondo, Maynila.

Pinaghahanap naman ang suspek na dating nobyo ng biktima na si Antonio Atinaja,  taga Pandacan, Maynila.

Sa report ni PO3 Giovanni Valera, naganap ang insidente dakong alas-onse ng gabi noong Linggo sa loob ng inuupahang bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Selos, ang isang anggulong tinitingnan ng awtoridad sa kanilang isinasagawang imbestigasyon.

Sa salaysay ng bagong nobyo ng biktima na si Gilbert Molina, 47, nanonood sila ng biktima ng DVD sa bahay ng biktima nang kumatok sa pinto ang suspek.

Ikinuwento ni Molina na nag-usap sina Dela Cruz at ang suspek. Nagulat na lamang siya ng makarinig siya ng kalabog. Pagkatapos ay umakyat ang suspek sa ikalawang palapag at kinuha ang cell phone at DVD ng biktima.

Hinataw din ng martilyo si Molina ng suspek bago mabilis na tumakas dala ang mga ninakaw na gamit at ang martilyong ginamit sa pamumukmok sa kanila ng biktima.

Bago tuluyang umalis ang suspek ay nagbitiw pa umano ito ng mga salitang ”Ako ang bumili tapos iba ang nanonood.”

Nang makaalis ang suspek ay humingi ng tulong si Molina sa mga kapitbahay biktima.

Agad nilang isinugod ang si Dela Cruz sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ngunit binawian din ito ng buhay ganap na 2:45 ng Lunes ng madaling araw, Marso 28 dahil sa grabeng pinsalang tinamo ng kanyang ulo.

Nabatid din sa tiyahin ng biktima, nakikipagbalikan ang suspek sa kanyang pamangkin nguit tinanggihan ito ng biktima dahil mayroon na itong bagong nobyo. Ayon pa sa tiyahin, magaspang umano ang pag-uugali ng suspek at kung minsan ay nag-aasta pang pulis.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestioagsyon ng pulisya para sa ikadarakip ng suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply