Waitress pumalag sa holdaper, dedo

PATAY ang isang waitress nang saksakin sa leeg ng isang hindi nakikilalang holdaper makaraang pumalag ang una sa Malabon City.

Dead-on-spot si Elleanor Subian 17, waitress  ng  Phase 2, Lupha Gozon Complex, Letre Tonsuya ng  nasabing lungsod, dahil sa tinamong saksak sa leeg

Base sa ulat, 12:30 Lunes ng madaling araw, naglalakad ang biktima sa nasabing lugar nang lapitan ng holdaper at tutukan ng patalim.

Pumalag si Subian nang kinukuha na ng holdaper ang kanyang wallet, kuwintas at cell phone dahilan upang tarakan siya ng salarin sa leeg.

Matapos ang insidente ay agad na tumakas ang salarin dala ang mga gamit at pera ng biktima. Rene  Manahan

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply