Wala ng ‘business as usual’ sa DPWH

NAGBABALA si Department of Public Work and Highway Secretary Rogelio Singson laban sa korapsyon sa hanay ng mga regional at district engineers ng ahensya.

Dapat aniya na gawing bukas at mabilis ang mga bidding ng may 1,493 proyekto sa 16 na rehiyon na nagkakahalaga ng P56.48 bilyon piso.

Wala dapat umanong sabwatan o pinapaboran sa mga bidding at nakiusap din si Singson sa mga kontratista, brokers at mga politiko na huwag gamitin ang impluwensya at huwag makialam sa pagdaraos ng bidding.

Pabilisin ang proseso ng bidding upang masimulan ang mga proyekto habang maganda ang panahon sa paggawa.

Wala na umanong “business as usual” tulad ng dati bilang pagsulong ng polisiya ng pamahalaang Aquino na “matuwid na daan” para mabawasan ang korupsyon sa pamahalaan. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply