Walang banta ng tsunami sa PHL–Phivolcs

HINDI aniya dapat pangambahan ng Pilipinas ang isang tsunami na posibleng mailikha kasunod ng magnitude 6.6 na lindol sa isla ng Solomon.

Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology director Renato Solidum, Jr., masyadong malalim ang pinagmulan ng nasabing lindol kaya mahihirapang umabot ang tsunami sa Pilipinas.

“May bandang dagat po ito, pero malalim-lalim … so sa tingin namin di ito magdudulot ng malawakang pagdating ng tsunami. Walang threat ito sa bansa,” ayon kay Solidum.

Samantala, sinabi naman ng United States Geological Survey na naitala ang nasabing lindol pasado alas 8:09 ng umaga.

Ani Solidum, nagpahatid na siya ng mensahe ng katiyakan sa ibang mga bansa tungkol sa malakas na lindol na nagdudulot ng pangamba na magkaroon ng tsunami.

Aniya, ang isla ng Solomon ay nasa silangang bahagi ng Papua New Guinea.

“Puwede nating masabi na malakas pero di ito makaaapekto sa ating bansa, kasi nag-release ang ibang bansa na may information na malakas na lindol pero sa ating bansa walang anumang posibilidad na maapektuhan tayo nito,” dagdag pa ni Solidum. Alex Ching

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply