Walang dahilan para sibakin si Energy Sec. Almendras – Malakanyang

WALANG nakikitang dahilan ang Malakanyang para sibakin sa puwesto si Energy Secretary Jose Almendras  dahil lamang sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis sa bansa.

Ang katuwiran ni Deputy Presidential Spokesman Abigail Valte ay ipinaliwanag ng mabuti ng kalihim ang mga dahilan kung bakit hindi mapigilan ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa bunsod ng tensyon sa Gitnang Silangan at Hilagang Africa.

“Hindi naman po sa binibigyang-katwiran dahil ini-explain lang din po ni Sec. Almendras kung ano ‘yung tunay na nangyayari. Hindi lang naman po ito sa ating bansa nangyayari dahil nga po doon sa kaguluhan sa Libya. Hindi lang po tayo ang dumadanas nang ganito at si Sec. Almendras naman po, he’s doing the best that he can especially to explain kung ano po talaga ‘yung nangyayari,” ayon kay Valte.

Sinabi pa rin niya na hindi lamang sa Pilipinas tumaas ang presyo ng langis kundi maging sa ibang bansa dulot ng mga kaguluhan sa mga lugar na pinagkukunan ng supply ng petrolyo.

Gumawa na aniya ng hakbang ang pamahalaan dito kabilang na ang pagbuo ng inter-agency body para magsasagawa ng mga pag-aaral laban sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon kay Valte, kabilang sa pinag-aaralan ay ang pag-angkat ng produktong petrolyo sa bansang Russia at Brunei.

Ngayong linggong ito ay dalawang beses na nagtaas ang presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa pagtaas ng presyo nito sa world market.

Maaari umanong mapilitan ang pamahalaan na magpatupad ng oil rationing para lamang magkasya ang supply ng langis sa bansa. Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply