Walang ginagawa sa barangay kundi puro lagay

INIREREKLAMO ng isang constituent ng Pasay City ang kanilang barangay kapitan na si Zaldy Zalasar  ng barangay 41. Wala na nga raw ginagawa sa kanilang barangay ay mahilig pa raw na manghingi ng lagay sa mga tao. Pag may mga usapin sa kaso sa kanyang barangay ay mas pinapanigan pa raw ni kapitan ‘yung may pera.

Aba’y, oo nga, matakaw nga sa lagay itong si kapitan dahil mas pinapanigan pa niya yung may pera.

Mantakin ninyo, hindi rin pala humaharap sa mga pag-uusap sa barangay si kapitan, yung secretary lang niya ang pinahaharap. Ano ba ‘yan Kapitan Zaldy,  totoo ba yang reklamo ng inyong mga ka-lugar?

Basahin natin ang reklamo sa text message.

Gud pm, Sir Johnny. Nakatira po ako sa Pasay City. May gusto sana akong  ireklamo, yung kapitan dito sa barangay 41. Wala na nga siyang ginagawa sa kanyang barangay, mahilig pa siya sa lagay pag may mga kaso sa barangay. Mas pinapanigan pa niya yung may pera. Imbes na siya ang humarap, ‘yung secretary lang niya ang nandun. Naghihintay na lang si kapitan ng lagay.

Ang name niya ay Zaldy Zalasar. Pls. don’t publish my # for security reasons.

BOOKIES NI KAMOTE SA CALOOCAN

Sa Caloocan City naman ay walang habas ang ginagawang operasyon ng boo-kies ng karera nitong si Danny Kamote.

Bilib ako rito kay Danny Kamote dahil kahit sinong maupong alkalde at chief of police ay hindi mabuwag-buwag ng kapulisan  ang bookies nito sa Caloocan.

E, ubod naman daw ng ‘kunat’ para makaiwas sa timbre. Kung minsan ay gini-guerilla ang bookies nito. Malaki ang kinikita ni Kamote sa bookies lalo pa’t pangabig ang karera. Isang Nancy ang ipino-front ni Kamote sa bookies nito.

Anomang reklamo o puna ay itext lang sa 09189274764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo.com. Johnny Magalona

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply